Tuesday, April 07, 2009
Kailangang magsulat dahil babasahin ni Tessa ang blog ko.
Kailangan pa-deep kasi ang deep deep ng blog nya.
Ang sarap ng chickenjoy! Wow!
(kaka-kaka)
"thats a cockatoo tita darlene.. not a chicken" - paolo
"no thats a joyful chicken.. kaya nga chicken joy" - darlene
rofl - tessa (ms. epanemah crossed her mind)
I've decided to write about her blog. let me describe it to you. it has a black background. white font. 8. arial. guessing. bored. with pictures. bored. 2 columns. bored. and it is named cuckoo.
Cuckoo - a common European bird, Cuculus canorus, of the family Cuculidae, noted for its characteristic call and its brood parasitism; slang- a crazy, silly, or foolish person; simpleton.
Thats what i love about her. I get to utilize our internet and enhance my online research skills. Ergo i get to type faster.
I have to take a bath now. Then drink bonakid. Cant wait to hear from Tessa after she wasted her time reading this.
Remember, in order to think deep you must have a deep shit hole. But don't shit in it because its not your backyard. - Lenlen (her essay on thinking)
Posted at 7.4.09 by
summer_sky
Permalink
Thursday, April 02, 2009
itigil na ang drama
mag aaklas na si nora
inaagawan mo sya ng korona
ngawa ka ng ngawa
Posted at 2.4.09 by
summer_sky
Permalink
Monday, March 02, 2009
nawawala ako. pag nakita nyo ko pakikalabit naman ako. at ipakilala mo kung sino ka. baka sakaling maalala ko na.tinalikuran ko ang ilang mga bagay. luho at kaibigan. gusto ko ng bago. pero san ako makakahanap? kung pareho lang ang nakikita ko sa bawat lingon. pati pagsulat nalimutan ko na. ikaw. kulang pa. kulang pa.
Posted at 2.3.09 by
summer_sky
Permalink
Tuesday, January 27, 2009
Na-miss ko ang pasusulat. Na-miss ko ang pagiging kwela. Na-miss ko ang pagmumuni muni sa lamesa. Na-miss ko ang pagkanta. Na-miss ko ang pangungutya. Na-miss ko ang pagtawa. E bat di ko gawin isa isa? Eto na nga babangon na.
Posted at 27.1.09 by
summer_sky
Permalink
Friday, December 19, 2008
Patotot (panggulo sa patintero)
Tinatamaan ako ng lintek at ng lungkot, ng duda at kaba.
Hindi mahabol ang takbo ng puso at pintig ng dugo.
Ang pagdaloy ng diwa at pagluha ng mga mata.
Nanginginig ang mga salita
Paika - ika
Ang kakuparan ng alaala
Ang kalabuan ng imaheng
Sumasalamin sa aking mukha
Wala nang pagkakakilanlan ang dati kong katayuan
Sa pilit na tinatahak na daan
Malayo sa inaasam kong kalagayan
Hamak na malawak pa sa sakop ng kahilingan
Walang dudang kaiinggitan
o kaiinisan?
Hindi ko itinatanggi
Itinatanggi ko na hindi
mas matulin na matulin
ang usok nito kaysa sa tren
Hindi ko aaminin
Aaminin ko na hindi
malaya at malayo
ang kulay ng budhi
Ayaw kong magpang-abot ang kilabot at ang takot
sa pwedeng kahinatnan ng kalalabasan
ng pag inog ng mundo ko sa mundo mong
walang hinto tuloy tuloy at walang preno
Huwag kang magulantang
kung humingi man ng kalayaan
humuhingi ako ng kalayaan
huwag mo akong pagbigyan
hindi ito ang kasagutan
wala naman akong katanungan
wag na sana akong tamaan
Posted at 19.12.08 by
summer_sky
Permalink