summer_sky

DarlEne®
Meaning: Little Darling
Origin: French
Middle Child

Gemini

In many ways an eternal child. Mind is bright, alert, curious, flexible, playful, and always eager for new experiences - and attention span is often quite brief.

Grasps ideas quickly and once initial curiousiy has been satisfied, wants to go on to somethng else.

Mentally restless, may change jobs or locations frequently, or do work that involves movement, travel, and variety.

SummerSky

...Because I love the sun and the sky. It reminds me of how powerful is the Being above. Of how eminent His love is.

...It gives me relief everytime i look up. Making figures out of the clouds. Watching the sun dance

...And yes i hate rainy days

   

<< June 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30



DDashing
AAstounding
RRelaxing
LLuscious
EExcellent
NNew
EEmotional

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com

Makikiusyoso

3rd
Abi
Chona
Josh
Jops
Maloy
Marife
Ivy
Toio
Ziggy


[ Read / Sign my guestbook ]
Get a free Guestbook

web counter
TalapindutaN



Hope for the humor impaired! Check out the fat cat's official Web site!

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:





Thursday, May 08, 2008
Saan ka darating?

 

 

 

    Sa wakas ikaw ay malaya na. Lahat ay masaya. Ikaw lang ang lumuluha. Siya din kaya? Mahalaga ba kung pati sila?

 

   Hindi nabibili lamang sa vendo ang ganong klaseng pagtitinginan. Muli ka na namang kumawala. Pagka-makasarili ba itong matatawag o kaduwagan? Dati nama'y nagtiwala ka na. At alam mong walang kasing-saya noong ikinahon mo ang takot at duda. Lumikot na naman ba si Pandora? Muli ka na namang nagsisisi na hindi mo nagawang makipagbunong braso sa kalaban. E ano naman ang ubra mo sa kanyang lagda? Lalong lalo na sa titig ng kanyang mga mata, nagsasabing hindi nya kaya at hindi na nya kaya.

   Ano ba't tila mayroon kang obsession sa pag-iisa? O sa pagiisip na hindi ka nararapat sa gatiting na pagsinta, mula sa (ka)niya higit (ka)ninuman? Bakit mo pinakawalan? Ang diwa at salita ay parang kidlat at kulog. Nauuna ang isa sa isa. Bakit ang sa iyo ay taliwas?

   Ngayon ang oras upang ikaw ay magpahinga. Hanggang kailan ay hindi natin alam. Pero hindi mo naman mapapansin kung hindi mo bibilangin. Hindi totoo na kapos ang mundo sa payak na pangangailangan nito. Marami lang talaga tayo. At gaya ng sabi ko, hindi mo ito mapapansin kung hindi mo ito bibilangin.
 

Thursday, April 03, 2008
Pasaway

Magandang umaga. Simula ngayon tayo na muli ang magkakampi. Ikaw na ang kasa-kasama sa aking pagka-aligaga. Walang masama kung lahat sila mawala. Hindi ka ba natutuwa na nasupil natin ang takot na mag-isa? Masanay ka na. Hindi mo pa ba nararamdaman? O ikinakaila mo lang? 'Yan ka na naman at puro ka katanungan. Hayaan mo na lang anurin ka kung saan.

 

Wednesday, April 02, 2008
Kumusta na summersky?

Narito akong muli at kinakausap ka. Pasensya sa aking sasabihin, pero alam mo bang naisip kong burahin ka nang tuluyan? Isang click lang eh burado na ang ating pinagsamahan? Akala ko kasi ay nagbago na ang aking kabuuan. Isang salita lamang na dumurog sa aking puso eh pumayag na kong gumuho ang bawat salitang ipinundar ko nang maraming panahon. Buti na lamang napagtanto kong di patas ang ganon. Ikaw na naging saksi sa bawat pagkalito ng aking pagkatao. Sa bawat luha at tuwa. Sa bawat sikretong ikinakahon natin dito sa ating munting mundo. Akalain mo, ganon kalupit ang epekto.

Siya nga pala, hindi ko naikunsulta sa yo ang pagdating ni ano...alam mo na kung sino. Huwag kang mag alala. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Maikwento ko nga pala, siya ang bumuhay muli sa aking sarili. Siya ang nagpaalala kung sino at bakit ako ay ako. Alam kong nakaabang ka din sa kung ano ang kahihinatnan nitong pinasok kong alam din naman natin kung saan patungo. Nakakabilib kung paano nagiging kapanapanabik ang bawat araw na tinutuldukan ng katotohanan na pilit kong isinasantabi.

Matigas ang ulo ko, oo. Kaya ka nga nabuo. Kahit anupaman, kuntento ako. Sa kanya ako humuhugot ng pag-asa. Ngunit kasabay nito ay ang takot na hindi makabangon kung sakaling madapa. Masakit aminin pero nababalewala na naman kita. Nagastos ko na ang inipon nating lakas. Hindi ako naglaho. Naligaw lang sa kabilang dako. Maaari bang samahan mo akong muli. Sa paghihintay. Sa pangangarap. Sa pagbabalik ng aking ngiti?

Oy teka, kung sakaling mabura ka, alam mo na kung sino ang may sala. Dahil kailanman ay di ko magagawang limutin ka.

Tuesday, April 01, 2008
You do not know where it comes from or where it goes

Tuesday 1st April, 2008
Acts 4:32-37. The Lord is king; he is robed in majesty-Ps 91(92):1-2, 5. John 3:7-15.

‘You must be born again.’

Jesus speaks to Nicodemus of a new birth in the Spirit. The Hebrew word for ‘spirit’ means both ‘wind’ and ‘breath’. Jesus says to Nicodemus: ‘You can hear, feel and see the effects of the wind, but you do not know where it comes from’.

In the same way, we can see the effects of the Holy Spirit in the lives of those the Spirit touches. Jesus gives us the Holy Spirit that we may have power to be his witnesses and to spread and defend the gospel by word and action. The Holy Spirit gives us seven-fold gifts that we may live God’s way of life and serve in the power of his strength.

Lord, may we thirst for new life in the Spirit.

Friday, March 28, 2008
Speed Dating

Ok so im ready to date..
i Guess i need a car....

Next Page